HPG PERSONNEL BINARIL SA SLEX

binaril

LAGUNA – DEAD on the spot ang isang highway police ng South Luzon Expressway ng barilin ito sa floodway ng SLEX sa Calamba, noong Lunes.

Sa report ng Calamba City Police Office, nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si El Marcelo Danoso, 58-anyos, na patrolman ng SLEX Manila Toll Expressway Systems.

Ayon kay Staff Sgt. Ernesto Reyes ng Calamba Police, nakasuot pa ng uniporme ang biktima nang matagpuan ng pulisya.

Sinasabing papasok sana ito kamakalawa ng gabi pero hindi nakapag-report sa kanyang duty.

Ayon sa pulisya, may lead silang sinusundan at tinututukan ang isang person of interest na umano’y personal na kaalitan ng biktima at pinagbantaan daw ang buhay nito.

Tinutugis na ng awtoridad ang suspek. VERLIN RUIZ