HPG SINUHULAN, DRIVER ARESTADO

HPG

QUEZON- INARESTO ni Quezon HPG-HPT Prov. Officer Maj Jonathan Victor Olveña ang isang driver matapos manuhol ng P500 dahil sa traffic violation sa kahabaan ng Highway sakop ng Brgy.Lalo,Tayabas City kahapon.

Kinilala ang nanu­hol na si Cesar Luciano Buyaban, residente ng No. 876 E. Rodriguez Jr., Libis, Quezon City.

Base sa report ni Olveña, habang nagsasagawa ang HPG ng Anti-Carnapping Ope­ration sa lugar nang kanilang parahin ang isang Toyota Hi-ace van na kulay metallic silver na may plakang DBB-4461dahil may kargang mga gamit sa ibabaw ng bubungan ng sasakyan.

Nabatid na ipinagbabawal ito sa batas trapiko kung wala kaukulang permit sa LTO at ito ay paglabag sa tinatawag na Violation of Unsafe Load.

Habang kinakausap ni Olveña ang driver para ipakita at i-check ang OR at CR ng naturang sasakyan na minamaneho ni Mario Duran Belingan ay bumaba si Buyaban.

Kinausap nito si Olveña at sinabi ang mga katagang “SIR AREG­LUHIN NA LANG NATIN ETO PO ANG PANGMERYENDA” sabay abot ng xerox copy ng OR/CR na may kasamang P500 at ang lahat ng pangyayari ay nakuhanan ng Alternative Vi­deo Recording Device na nakakabit sa harapang bahagi ng uniporme ng isang HPG member na si SMS Nestor Rondain Jr.

Dito na agad na ina­resto si Buyaban na dinala at itinurn-over kay Tayabas Police Station Investigator SMS Jomer C.Quinio para sa proper disposition at pagsasampa ng kaso.

Kasong Corruption of Public Official/Brivery ang isinampa ni Olveña laban kay Bu­yaban na kasaluku­yang nakakulong samantalang ang driver na si Belingan ay tiniketan ng TOP LTO ticket dahil sa violation of Unsafe Load.

BONG RIVERA