HS BUILDING, PINASINAYAAN NG MAGKAPATID NA TIANGCO

TIANGCO BROS

PINANGUNAHAN nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang pagpapasinaya sa isang 4-storey school building sa Navotas.

Mayroon na ngayong karagdagang 16 na silid ang Navotas National High School para sa kanilang tinatayang 4,000 mga estud­yante.

“Malaki ang pagpapaha­laga namin sa edukasyon ng ating mga kabataan. Hangad namin na mag-enjoy sila at maging komportable habang nag-aaral para gugustuhin nilang matuto,” ani Cong. Tiangco.

Pinasalamatan niya ang Department of Education-Navotas at ang Department of Public Works and Highways para sa kanilang tulong at suporta sa pagpapagawa ng nasabing gusali.

Samantala, ipinangako ni Mayor Tiangco na ibibigay ng pamahalaang lungsod ang mga kinakailangang pasilidad at kagamitan ng paaralan.

Nabanggit din niya na layon ng lokal na pamahalaan, kasama ang Dep-Ed Navotas, na maabot ang ideyal na student-classroom ratio at magkaroon ng single shift classes ang mga eskuwelahan.

Tinatayang 116 na mga classroom pa ang idadagdag ngayong taon ayon kay OIC-Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano.

Comments are closed.