INALIS sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary-General Falconi Millar dahil sa umano’y mga reklamo ng katiwalian.
Inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na “effective immediately” ang utos ng Pangulo na pagsibak kay Millar. “There are no sacred cows in the administration, especially in its drive against corruption.
As the President said, he will not tolerate even a whiff of corruption in the Executive Branch of Government,” pahayag ni Panelo.
Tiniyak ng Malacañang na hindi makaaapekto sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko ang pagkakasibak sa secretary-general ng HUDCC.
Dagdag pa ni Panelo, “We assure the public that the delivery of public services shall unimpedely continue, especially in rehabilitating Marawi City and other affected areas”.
Wala pang inihayag na kapalit sa sinibak na opisyal.
Nauna nang nagbanta si Duterte na marami pa siyang ulong pagugulungin dahil sa patuloy na kampanya ng kanyang administrasyon laban sa korupsiyon.
Comments are closed.