HUELGAS, OCHOA SA SPORTS SUMMIT

Bryan Huelgas at Meggie Ochoa

DALAWA sa world-class athletes ng bansa, sa katauhan nina Nikko Bryan Huelgas at Meggie Ochoa, ang magtatambal para sa 2021 National Sports Summit kung saan tatalakayin nila kung paano nila ginamit ang kanilang popularidad para gumawa ng marka sa lipunan.

Ang “Making a Mark Through Sports” ay session 10 ng NSS na gaganapin sa Miyerkoles,  Abril 21.

Si Huelgas, isang two-time gold medalist sa men’s individual triathlon event ng Southeast Asian Games noong 2015 at 2017, ang magsasalita sa unang bahagi ng online lecture forum upang ibahagi ang kanyang   journey sa sports, career, at buhay.

Ngayong taon, si Huelgas ay tatanggap din ng military merit medal mula sa Philippine Air Force (PAF) dahil sa pagiging frontliner bilang enlisted personnel sa kasagsagan ng  COVID-19 pandemic.

Tatalakayin din niya ang kanilang mga programa at  plano bilang kasalukuyang chairman ng Athlete’s Commission of the Philippine Olympic Committee (POC).

Magsasalita naman sa ikalawang bahagi ng session si Ochoa bilang kauna-unahang Filipino world jiu-jitsu champion noong 2018 at Director for Social Responsibility ng JuJitsu International Federation (JJIF).

Si Ochoa ay nagwagi ng gold medals sa IBJJF World Championship 2018, Abu Dhabi Grand Slam Jiu-jitsu World Tour London 2018, at sa Asian Indoor and Martial Arts Games 2017 sa Ashgabat, Turkmenistan.

Siya ang ambassadress  ng child’s rights-based organization Plan International Philippines at itinatag ang Fight to Protect Movement noong 2018, na nakatuon sa pagtugon sa child sexual violence sa pamamagitan ng sports-related efforts.

“We are excited to bring in the session our champion athletes Nikko Huelgas and Meggie Ochoa. Their sports excellence and achievements really made a big impact in the country. We hope that our participants will get inspiration from their stories and eventually they would also make a change in their respective fields,” wika ni PSC chief of staff at NSS project director Marc Edward Velasco.

Halos 800 kumpirmadong participants sa buong bansa ang makikibahagi sa online conference via Zoom na magsisimula da ala-1 ng hapon. CLYDE MARIANO

43 thoughts on “HUELGAS, OCHOA SA SPORTS SUMMIT”

  1. 236510 233177I discovered your weblog site on google and check some of your early posts. Continue to keep up the very good operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading a lot more from you later on! 435805

  2. Wow, superb blog structure! How long have you ever been blogging for? you make running a blog look easy. The overall glance of your site is fantastic, as smartly as the content material!

  3. excellent put up, very informative. I ponder why the opposite experts of this sector don’t understand this. You must proceed your writing. I am confident, you’ve a great readers’ base already!

Comments are closed.