NANANARIWA sa ating puso’t isipan ang masasayang nagdaan na dala ng hangin at mga kanta ng nakaraan habang naalaala ang mga bagay na ating kinagisnan.
Ang inyong paboritong mid-tempo na musika at mga ‘easy listening’ love songs noong 1970s ang karaniwang mapakikinggan dito – less talk, more music.
Ito ang tema ng programang Morning Melodies ng Home Radio 97.9 — it feels good to be home!, hosted by station manager at DJ Braggy Braganza na mapakikinggan mula Lunes hanggang Biyernes at mayroong orihinal na isang oras (8-9am) lamang ngunit naging 8-10am na ito sa dahil popular demand ng mga nakikinig at gustong magpabati on-air at mag-request ng mga kanilang ‘favorite love songs’ noong dekada sitenta (70s).
Simple na lang din ng paraan ng pagpapabati at pag-request ng kanta dahil habang nakikinig ka sa radio, magpo-post or comment ka lang ng iyong paboritong kanta sa kanilang Facebook Page 979 Home Radio (@979homeradioofficial) at malaki na ang tsansa mong mabati ng mabait at idol natin, DJ Braggy.
Isa sa mga segment ng Morning Melodies, bukod sa mga request at pagbati sa mga nakikinig, mayroon din itong birthday greetings with trivia sa mga kilalang personalidad sa kaarawan ng mga ito, at, Way Back When, kung saan inaalala natin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay at kasaysayan ng ating mga paboritong artists. CRIS GALIT
Comments are closed.