DINAGSA ng mga kaanak at supporter ng mga bar examinee ang labas ng University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Manila sa ikaapat at huling linggo ng pagsusulit.
Ayon sa Manila Police District (MPD), aabot sa 2,000 supporter kabilang ang pamilya ng mga examinee ang dumagsa sa labas ng UST.
Kabilang ang remedial law at legal ethics sa mga asignaturang kukunin ngayong araw ng nasa 8,000 examinees.
Samantala, mahigit 500 pulis na ang ipinakalat ng MPD sa paligid ng unibersidad mula sa dating 400 habang nagpatupad na rin ng stop and go traffic scheme upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Inilarawan ni Manila Police District Station 4 spokesman Senior Insp. Philip Ines na pangkalahatang naging mapayapa ang apat na linggong 2018 bar examinations sa UST.
Ayon kay Ines, inaasahan nila na hanggang mamayang hapon ay magpapatuloy ang mapayapang aktibidad.
Isinara ang bahagi ng España Boulevard mula Lacson Avenue hanggang P. Noval street dakong alas-3:00 ng hapon.
Batay sa datos ng Supreme Court, mahigit 8,700 ang kumukuha ng bar examinations ngayong taon na pinakamataas na bilang sa nakalipas na ilang taon. DWIZ882
Comments are closed.