HULING BUGSO NG SALARY HIKE NG GURO MAAANTALA

teachers3

PUMALAG  ang grupo ng mga titser sa posibilidad na maantala ang huling bugso ng kanilang dagdag  na suweldo dahil nakabinbin pa rin ang pagpasa sa 2019 budget.

Inihayag ni Joselyn Martinez, national chairperson ng Act-Teacher’s Partylist na umaasa sila sa pamamagitan ng dagdag-sahod ay malalampasan nila ang mga pasanin  sa araw-araw bunsod ng epekto ng tax reform law.

Hindi rin nakaligtas sa kanila ang hidwaan sa pagitan ng mga kongresista at ni Budget Secretary Benjamin Diokno na  sinasabing  isa sa mga dahilan ng pagkaantala ng 2019 budget.

Muling nanawagan  ang mga guro kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ikonsidera ang pagtataas sa sahod ng mga public school teacher, pati na ang benepisyong natatanggap ng mga ito maliban pa sa Salary Standardization Law.

Matatandaan na sa Taong 2020 pa ang pangako ng Pangulo na  magkaroon ng  dagdag sa sahod sa public school teachers dahil marami pa umanong isasaayos sa salary system ng mga guro.

Comments are closed.