HULING HEARING SA POGO ITINAKDA

Itinakda na ni Senador Risa Hontiveros na sa Nob­yembre 26 ang huling pagdinig ng Senado hinggil sa mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women na ito na ang huling ikakasang pagdinig hinggil sa POGO at imbitado rito si dating Bamban Mayor Alice Guo at ilan pang personalidad na dumalo sa mga nagdaang imbestigasyon.

Ayon sa senadora, may bagong impormasyon na nakalap ang kanyang tanggapan partikular sa pagkakaroon ng espiya ng China sa bansa.

Bagama’t aniya mayroon ng Executive Order ng pagbabawal ng POGO, may mga hindi pa rin malinaw rito.