SOUTH COTABATO – ITINURING na naging mapayapa ang huling kampanya para sa plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Magugunitang noong Huwebes ay nagtungo sa Mindanao sina AFP Chief of Staff, Gen. Benja-min Madrigal, PNP Chief, DG Oscar Albayalde, Interior Secretary Eduardo Año, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at iba pang peace and security officials upang suyurin ang nasa-bing rehiyon para matiyak na magiging organisado at payapa ang plebesito bukas.
Dalawang araw bago ang plebisito, iba’t ibang mga aktibidad na ang isinagawa ng League of Bangsamoro Organization (LBO) upang ipabatid sa mga mamamayan ng lungsod ang kahalagahan at benepisyo ng mga ito sakaling manalo ang “Yes” to Bangsamoro Organic Law (BOL) sa siyudad.
Kahapon ay nagkaroon ng miting de abanse mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi sa Cotabato City State Polytechnic College (CCSPC) ground na inaasahang dadaluhan ng libo-libong supporters ng BOL.
Handang-handa na rin ang 20,000 na tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP na ide-deploy sa mga lugar na pagdarausan ng plebisito. EUNICE C.
Comments are closed.