TULUYAN nang iniuwi ng Barangay Ginebra ang kampeonato matapos talunin ang TNT, 82-78, sa Game 5 ng PBA Philippine Cup finals. Si LA Tenrorio ang hinirang na Finals MVP habang si Japeth Aguilar ang napiling ‘best player of the game’. Nagkaroon ng katuparan ang pangarap ng Gin Kings na mahablot ang All-Pinoy crown na matagal na nilang pinakaaasam-asam.
Samantala, last championship na rin ni Mark Caguioa ang Philippine Cup at tuluyan na niyang isasabit ang kanyang no. 47 jersey. Sinabi ni Caguioa na ireretiro na niya ang kanyang jersey.
Bibigyan niya ng pagkakataon ang mga batang player ng Ginebra na mabigyan ang mga ito ng exposure Tsika ng On the Spot, hindi naman siya mawawala sa team. Kukunin si Mark ng management bilang isa sa coaching staff ng Ginebra.
o0o
MABIBILANG lang sa daliri ang contact sports na may napapahamak o nalalagay sa malubhang kondisyon ang isang batang atleta sa panahon ng mga training at kompetisyon.
Isa ito sa naging paliwanag ni Atty. Wharton Chan, secretary-general ng Samahang Kickboxing sa Pilipinas, sa kanyang pagsasalita kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports On Air kaugnay sa Housebill 1506 na sa ikalawang pagkakataon ay binuhay muli.
Itinatakda ng batas ang pagbabawal sa mga kabataan na makilahok sa martial arts competitions dahil daw nalalagay ang mga ito sa peligro.
“May isolated case, that’s why they pushed up the bill. Kaunti ang fatality sa contact sports, mas maraming namamatay sa bagyo. The bill should en-acted differently. Hindi po police power ang ibinigay natin kundi sa NSA regulatory powers,” ani Chan hinggil sa mungkahi niyang mas palakasin ang rules and regulations pagdating sa tamang expertise at kahusayan ng medical staff sa NSAs.
Idinagdag pa niya na nararapat na mas asikasuhin ng gobyerno ang pagtatalaga ng mga propesyonal at lisensiyadong tao na magpapahintulot sa pag-sabak ng mga bata sa international competition.
“Legal personalities against this people forming a competition with absence of national sports association. Kung baga hindi sila nagpaalam as function ng event, dapat may NSA. Bakit, sila kasi ang nabigyan ng seminar dahil sila ang international licensees. Ang tanong, ito bang ibang nasa DepEd, nakatatanggap ba sila ng seminars?”
Pagdating naman daw sa aktuwal na laban, tanging ang mga eksperto sa NSAs ang nakakaalam kung paano magiging ligtas ang bata sa kompetisyon.
“Going back to games sa mga bata pa, hindi maalis ang normal na insidente. May safety gears naman, conducting medical and expert team. Nabigyan ang NSA ng pagkakataon makatulong sa ganitong klase ng competition. Pagdating sa NSA’s ay isolated case ang nangyayaring aksidente.”
Sinegundahan din ni wrestling head Alvin Aguilar ang diskusyon at nagpahayag na, “Example sa wrestling, we still learn on new techniques. One hour seminar sa DepEd, mamayang konti nagtuturo na sila after one hour. Sa mga ganyan kaya nagkakaroon ng aksidente. We are the ones who are certified.”
“Pagpapalakas din sa tamang officiating ang nararapat pagtuunan ng pansin. Sa Sambo, marami kaming kids na natututo na sa Sambo, competition na abroad, ang dapat ay istriktuhan ang referees. May mga times na nalalagay sa alanganin ang bata, dapat may officiate na tama, lalo na sa age category.
“Kung mawawala iyan, mawawalan ng pag-asa ang mga bata na maturuan, mga out of school ay maturuan ng martial arts. Dapat talaga may offici-ate na tama para maiwasan ang disgrasya,” dagdag naman ni Paulo Tancontian,” ang sec-gen Sambo Pilipinas.
Anila, maganda naman ang hangarin ng awtor na mambabatas, subalit hinihiling nila na mas maraming iba pang mga bagay na dapat ayusin at bigyang pansin upang mas mapalakas pa ang combat sports sa bansa.
Comments are closed.