Ang Carlos Palanca Foundation, Inc., isponsor at tagapangasiwa ng ika-71 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, ay nagpapaalala sa mga nais lumahok sa patimpalak na ipasa na ang kanilang akda bago ang takdang petsa na Mayo 31, 2023.
Ngayong taon, tumatanggap ang pinakamatagal at pinaka-prestihiyosong patimpalak pampanitikan ng mga entry para sa 20 kategorya, kabilang ang:
● English Division – Short Story, Short Story for Children, Essay, Poetry, Poetry Written for Children, One-act Play, at Full-length Play
● Filipino Division – Maikling Kuwento, Maikling Kuwentong Pambata, Sanaysay, Tula, Tula Para sa mga Bata, Dulang May Isang Yugto, Dulang Ganap ang Haba, at Dulang Pampelikula
● Regional Languages Division – Short Story-Cebuano, Short Story-Hiligaynon, at Short Story-Ilokano
● Kabataan Division – Kabataan Essay at Kabataan Sanaysay
– Kabataan Essay: “Emerging out of the Pandemic, what are the most pressing issues surrounding mental health among youth and how can Society and Government help in addressing these concerns for the growth and well-being of our younger generations?”
– Kabataan Sanaysay: “Sa pagsulong mula sa Pandemya, ano ang mga pinakamabibigat na isyung pumapalibot sa kalusugan ng isip ng mga kabataan, at paano makatutulong ang Lipunan at Pamahalaan na tugunan ang mga ito para sa ikauunlad at ikabubuti ng ating mga nakababatang henerasyon?”
Maaaring mag-sumite ng isang (1) entry lamang bawat kategorya. Ang mga gawang nakatanggap ng parangal sa ibang paligsahan sa araw mismo o bago ang Mayo 31, 2023 ay hindi tatanggapin. Ang mga gawang nailimbag o naisa-produksyon na sa pagitan ng Hunyo 1, 2022 hanggang Mayo 31, 2023 at mga gawa na hindi pa naisa-produksyon o hindi pa nailimbag ay maaring ipasok sa patimpalak. Tanging mga gawang hindi pa naisa-produksyon ang maaaring ipasa sa kategoryang Dulang Pampelikula.
Matatagpuan ang mga tuntunin at entry forms sa opisyal na website ng Palanca Awards, <http://www.palancaawards.com.ph/>.
Lahat ng mga akda ay dapat ipasa ONLINE sa opisyal na website ng CPMA. Ang Carlos Palanca Foundation ay HINDI TUMATANGGAP NG MGA PRINTED AT EMAIL SUBMISSIONS para sa lahat ng kategorya.
Ang mga papalaring manalo ay pararangalan sa isang espesyal na seremonya bago matapos ang taon. Makipag-ugnayan sa tanggapan ng CPMA sa <[email protected]> o sa (632) 8843-8277 / (632) 8478-7996 para sa iba pang katanungan. Hanapin si Ms. Leslie Layoso o Ms. Susan Castillo.