ISINABATAS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nagdedeklara sa Hulyo 25 bilang taunang National Campus Press Freedom Day.
Batay sa inilabas na kopya ng Malakanyang, nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11440 noon pang Agosto 28.
Nakasaad sa nabanggit na batas na kabilang sa polisiya ng pamahaalan ang isulong, protektahan at pangalagaan ang freedom of the press and expression na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
Itinuturing din na isang mahalagang institusyon ang campus press para sa pagpo-promote at pagbibigay proteksiyon sa freedom of the press and expression.
Comments are closed.