MAYNILA – INIHAYAG ng Filipinas sa international community na dapat ilagay ang tao bilang sentro ng agenda para sa labor and employment sa gitna ng transpormasyon sa mundo ng trabaho.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa ika-108 Session of the International Labor Conference sa Geneva, Switzerland na ang ‘automation sa mundo ng trabaho ay nagbibigay ng maraming oportunidad, subalit mas lalawak rin ito kung maayos na mapamamahalaan maging sa aspeto ng social inequalities at kahirapan.’
Kasabay ng pagbibigay sa kahalagahan ng human resource, binigyang diin ni Bello na “nais namin na walang maiiwan at wala ring mawawalan ng trabaho,” at dinagdag na ang posisyong ito ay alinsunod sa Sustainable Development Goals na nais makamit ng Filipinas.
Naghayag rin ng suporta ang kalihim sa pagpapalabas ng Report on Work for a Brighter Future: Global Commission on the Future of Work, isang landmark report ng ILO na nagbibigay gabay sa mga hakbangin upang makamit ang future of work na nag-tatakda ng disente at matatag na trabaho para sa lahat.
Pinuri rin niya ang ulat dahil sa pagbibigay nito ng kahalagahan sa tao maging sa trabahong kanilang ginagawa sa gitna ng labor and employment agenda.
Ayon kay Bello, isa sa pangunahing layunin ang makabuo ng mga polisiya na aagapay sa human incomparability, at bigyang diin ang kahalagahan ng tripartism at social dialogue.
Binanggit rin ni Bello ang ilang landmark legislation na ipinasa ng Philippine Congress para sa proteksiyon ng karapatan at kapakanan ng mga Filipinong manggagawa at ng kanilang pamilya.
Bilang pagtatapos, nagpahayag ang kalihim ng pag-asa para sa mas pinaigting na international cooperation upang matiyak ang seguridad ng buhay at dignidad ng mga Filipinong manggagawa, higit lalo ang mga naka-deploy sa ibang bansa. PAUL ROLDAN
Comments are closed.