NGAYONG maituturing na banta ang paggamit ng artificial intelligence (AI) na magwawalis sa human jobs, pinaghahanda na ng gobyerno ang business process outsourcing (BPO) para mahadlangan ang pagkawala ng mga tra-baho.
Ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, posibleng sa susunod na tatlo hanggang limang taon ay magagamit ang mga AI sa nasabing sektor.
“I think there’s increasing awareness and consciousness about the possibility that certain regular jobs we are used to will be tak-en over by technology,” pahayag ni Pernia.
Matatandaang hinimok ni Pernia ang BPO sector na i-upgrade ang kasanayan ng kanilang mga empleyado dahil sa umano’y mabagal na paglago sa industriya.
“There’s just a need for firms, BPOs included, to adjust to get in, to prepare for the inevitable,” pahayag pa ng kalihim.
Daan-daang trabaho ang maaaring maapektuhan ng AI at kabilang dito ang sales and customer support staff, cashier, call center assistants, clerk at iba pa. Istorya nina CAMILLE BOLOS at AIMEE ANOC
Comments are closed.