TINIYAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Brig.Gen.Vicente Danao na walang human rights na malalabag sa direktiba nitong ‘intensified police operations’ laban sa lahat ng uri ng kriminalidad partikular sa droga .
Ayon kay Danao, mahigpit ang kanyang tagubilin sa mga tauhan ng NCRPO na igalang ang human right sa kanilang pinaigting at pinalakas na police operations base sa ibinabang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na iprayoridad ang police operations laban sa mga drug syndicates, terrorist at insurgency.
Bahagi sa programa ni Danao ang internal cleansing sa hanay ng mga pulis sa Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng Oplan Litis kung saan ay tutusigin ang mga police scalawag.
Bunsod ng nasabing programa, nakatakdang maglabas ng hotline nos. ang NCRPO kung saan puwedeng magreklamo ang publiko laban sa rogue cops.
Babala ni Danao, hindi niya papayagang abusuhin ng “men in uniform” ang publiko at lalong hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng kanyang mga tauhan sa mga sibilyan.
Aniya, malaking hamon ito sa PNP ngayon nasa kalagitnaan ng pandemya ang bansa subalit gagawin pa rin ng mga pulis ang kanilang sinumpaang mandatong pagsilbihan at protektahan ang sambayanan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.