Sa pagdiriwang ng Human Rights Day 2024, nagbabala ang Alyansa Tigil Mina sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao sa mga mining areas.
Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, batay sa 2024 Global Witness Report, ikaapat na bahagi ng lupang ginagamit sa transiston ng mineral mining ay nakasisira sa key biodiversity at mga protected areas. Gayundin , nalalagay sa panganib ang ecosystems ng Mundo.
“Energy transition should not be used as a justification for the expansion of mining operations at the expense of the environment and people’s human rights,” ani Garganera.
Ayon sa Global Witness, halos ikalimang bahagi na ng Philippine land mass ang magagamit ng mining tenements. Ikaapat na bahagi naman nito ay nakakasagasa sa indigenous land.
Dahil dito, dapat umanong magkaroon ng specific na batas na poprotekta laban sa violence, harassment at pananakot, gayundin ang Environmental Defenders Bill at Human Rights Defenders Act.