QUEZON CITY – PINAPABORAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isinusulong na pag-amyenda sa umiiral na Human Security Act (HSA) of 2007.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, makatutulong ito para masiguro ang kapayapaan sa buong bansa, mga hakbang kontra terorismo na titiyak sa kaligtasan ng sambayanang Filipino.
Sa pahayag ng SILG secretary, sinasang-ayunan nito ang pag-amyenda sa probisyon hinggil sa wiretapping at detention period. Napag alamang maging ang Department of National Defense at Armed forces of the Philippines ay pabor sa nasabing pagbabago lalo na sa detention period ng suspected terrorist.
Paliwanag ng kalihim na ang pagresolba at paglaban kontra terorismo ay may malaking pagkakaiba sa mga ordinaryong krimen na nangyayari araw-araw.
Dagdag pa nito na ang pag-iimbestiga sa isang terrorist group o indibiduwal ay talagang mabusisi at matagal, kaya ang pagpapalawig ng wire-tapping at detention period ay napakahalaga para labanan ang terorista sa Filipinas.
Samantala, inihayag naman ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., na suportado niya ang hakbang hinggil sa pag-buhay sa Anti-Subversion Law na ni-repeal noong 1992 sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Fidel Ramos. VERLIN RUIZ
Comments are closed.