HUMAN TRAFFICKERS TIMBOG SA NAIA

NAIA

PARAÑAQUE CITYNA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pinaghihinalaang courier ng human trafficking syndicate kasama ang lima niyang biktima dahil sa paggamit ng bogus travel documents.

Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hinarang ng kanyang mga tauhan sa Terminal 3 ang mga suspek, at hindi pinayagang makasakay sa kanilang flight papuntang Tokyo, Japan.

Hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan o mga pangalan ng mga suspek sapagkat ito ay labag sa batas dagdag pa ni Morente .

Nadiskubre ng ilan sa immigration officers sa NAIA na hindi magkakatugma ang kanilang mga sagot sa nangyaring question and answer sa immigration counter.

Iginigiit ng apat na biktima na mga emple­yado sila sa travel consultancy business ng suspek habang ang isa rito ay nagpakilala na isa siyang public transport operator  at kapitbahay nitong escort nila, ngunit wala itong maipakitang mga dukomento sa kanyang business.

Bukod sa isang ID na nagpapatunay na konektado siya sa travel agency, ngunit itong apat walang proof ng kanilang employer-employee relationship sa suspek ayon kay Timotea Barizo, hepe ng BI’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

Nabatid ng immigration officers na ang tatlo ay first time travelers habang ang dalawa ay dating overseas contract workers na walang mga papeles. FROI MORALLOS

Comments are closed.