(Humanitarian aid hirap maipasok sa Syria) TURKEY ISINAILALIM SA 3-BUWAN STATE OF EMERGENCY

UMABOT na sa 7,700 katao ang nasawi habang 8,000 naman ang naisalba mula sa mga gumuhong gusali matapos yanigin ng magkasunod na magnitude 7.8 at 7.7 lindol ang 10 lalawigan ng Turkey at i­lang bahagi ng Syria nitong Lunes ng madaling araw.

Idineklara ni Turkey President Recep Tayyip Erdogan nitong Martes ang state of emergency sa loob ng 3 buwan sa 10 probinsiya na naapektuhan ng matinding pagyanig.

“We are face to face with one of the biggest disasters ever for our region,” pahayag ni Erdogan sa national televise mula sa kapitolyo ng Ankara, Turkey kung saan nasa panahon pa ng freezing weather at sunod-sunod na aftershocks
Sa talaan ni Health Ministry Fahrettin Koca ng Turkey, tumaas sa 5,434 ang bilang ng namatay habang aabot nanan sa 8,000- katao ang naisalba mula sa wreckage ng mga gusali.

Samantala, ayon sa Syrian state Health Ministry at White Hekmets relief group, umabot na sa 1,731 katao ang namatay habang libo-libo naman ang sugatan kung saan kabila na ang Syrian war refugees ay nasa lugar ng Turkey.

Nabatid din sa ulat na nahihirapan ang rescue team sa Syria dahil may komplikasyon sa lokasyon ng quake zone kung saan ang gobyerno at opposition ay kontrolado ang ilang lupain.

Kinakailangang apro­bado ng United Nation ang transporting international aid sa Syria dahil ang kalsada patungong Bab al-Hawa border mula sa Turkey ay nawasak kaya pansamantalang naantala ang aid delivery habang hindi naman makakatanggap ng direct aid ang Northern Syria mula sa ibang bansa dahil sa sanctions ipinataw laban sa gobyerno ni President Bashar Assad.

Nagpalabas ng $25 milyon ang United Nation mula sa emergency fund kung saan naghahanap ng paraan para makatulong sa Northwestern Syria na sinasabing kontrolado ng rebelde ang border crossing. MHAR BASCO