AGUSAN DEL SUR- MULA sa Davao del Norte, agad dumiretso ang humanitarian team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lalawigang ito.
Ito ay para maghatid ng malinis na tubig sa mga apektado ng malawakang pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan doon dulot ng hanging amihan na pinalala pa ng trough ng Low Pressure Area (LPA).
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, ito’y bilang tugon na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr para tulungan ang mga kababayang binaha.
Bitbit ng kanilang team ang solar-powered water filtration units na kayang maglinis ng nasa 180 gallon ng tubig kada oras.
Kabilang sa mga naserbisyuhan ng MMDA ay ang mga barangay New Visayas, Erbo, at Lapinigan sa San Francisco, Agusan Del Sur. P ANTOLIN