(Humataw ng triple-double) JAMES BINUHAT ANG LAKERS VS THUNDER

lakers vs thunders

NAGSALANSAN si LeBron James ng 28 points, 14 rebounds at 12 assists upang tulungan ang Los Angeles Lakers na makopo ang ika-5 sunod na panalo sa pagdispatsa sa bisitang Oklahoma City Thunder, 119-112, sa overtime noong Lunes (oras sa US).

Nagdagdag si Montrezl Harrell ng 21 points at 8 rebounds at nagtala si Dennis Schroder ng 19 points, 7  rebounds at 5  assists para sa Lakers, na naglaro na wala sina Anthony Davis (Achilles) at Alex Caruso (hand). Umiskor si Wes Matthews ng 16 at tumapos si Kyle Kuzma na may 11 points at 10 rebounds.

Nakakolekta si Shai Gilgeous-Alexander ng 29 points, 10 assists at 7 rebounds, at nagposte si Darius Bazley ng 21 points at 16 rebounds para sa Thunder. Nagbigay si Hamidou Diallo ng  20 points, at tumipa sina Justin Jackson at Al Horford ng tig- 14.

Hindi naglaro sina Oklahoma City’s Mike Muscala (concussion), Isaiah Roby (foot) at Theo Maledon (health and safety protocol).

BUCKS 125,

NUGGETS 112

Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng  30 points at 9 rebounds at nagdagdag si Khris Middleton ng 29 points at  12 rebounds nang gapiin ng bisitang  Milwaukee Bucks ang Denver Nuggets, 125-112.

Tumipa si Bryn Forbes ng 15  points at gumawa sina Brook Lopez at Donte DiVincenzo ng tig-13 para sa Bucks, na nanalo ng limang sunod.

Sinundan ni Nikola Jokic ang 50-point performance noong Sabado sa pagkamada ng 35 points at 12 rebounds, at naitala ni Will Barton ang 20 sa kanyang 24 points sa first half para sa Nuggets.

Nagtala sina Paul Millsap ng 14 points, Monte Morris ng 12 at bumalik si Jamal Murray mula sa one-game absence upang mag-ambag ng 11 points para sa Denver, na nalasap ang ikatlong sunod na pagkatalo

SUNS 119,

CAVALIERS 113

Tumirada si Devin Booker ng 36 points at nalusutan ng Phoenix Suns ang pagkawala ni  Chris Paul upang maitala ang 119-113 panalo sa  home kontra Cleveland Cavaliers.

Nagbuhos si Mikal Bridges ng 22 points, habang nagdagdag si Deandre Ayton ng 15 points at 16 rebounds para sa Suns na kinuha ang ikat-long sunod na panalo at ikaanim sa kanilang huling pito.

Hindi naglaro si Paul sa back end ng laro sa magkasunod na araw dahil sa sore hamstring na pinaniniwalaang hindi naman malubha.

Sa iba pang laro ay ginapi ng Dallas Mavericks ang Minnesota Timberwolves, 127-122; ibinasura ng San Antonio Spurs ang Golden State Warriors, 105-100; at pinaamo ng Washington Wizards ang Chicago Bulls, 05-101.

Comments are closed.