CAMP CRAME – SINIBAK sa puwesto ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang tatlong police majors dahil sa pangongotong ng nasa P5 milyon sa proponent o sumali sa bidding para sa body cameras na gagamitin ng Philippine National Police (PNP).
Kinilala ang mga ito na sina Police Major Emerson Sales, Police Major Rholly Caraggayan at Police Major Angel Beros mga PNP bids and Award committee technical working group.
Ayon kay Gamboa, taong 2018 pa nasibak ang mga police officer matapos na magsumbong ang isa sa walong proponent sa pagbili ng mga body camera ng PNP sa ginawa nilang pangongotong.
Sa ngayon nahaharap sila sa summary dismissal proceedings ng PNP Internal Affairs Service (IASP dahil sa kasong administratibo at iniutos na rin ni Gamboa sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa tatlo.
Kinumpirma rin ni Gamboa na dahil sa kontrobersiyal na pangongotong ay naantala ang pagbili at delivery ng mga body camera na may pondong mahigit P334 million.
Subalit, ayon kay Gamboa na bago matapos ang taon ay mabibili ang mga body camera at maide-deliver sa ikalawa o ikatlong quarter sa susunod na taon.
Ang body camera ay gagamitin sana sa mga operasyon ng pulisya partikular sa anti-illegal drug operations kasunod ng mga ulat at alegasyon ng anti-drug war na rub out ang nangyayari kapag napapatay ang drug suspects.
Bagaman iginigiit ng PNP na nanlaban ang drug suspect kaya nauuwi sa shootout ang operasyon ay ayaw pa rin paniwalaan.
Ang argumento na rub out o shooutout ay umabot pa sa Senado kung saan humarap pa si dating PNP Chief Ronald Dela Rosa.
At upang maging malinaw ang operasyon at walang white wash ay napagkasunduan na gumamit ng body cam ang operatiba. REA SARMIENTO
Comments are closed.