Hundred islands, misteryosong tahanan ng mga sirena

ANG  Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng may 7,641 isla, kung saan ang tatlong pinakamalalaki ay ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Si dinam-rami nito, 2,000 isla lamang ang pinamamahayan ng tao at mahigit 5000 ang hindi pa nabibinyagan ng pangalang opisyal.

Ang Alaminos City, Pangasinan ay tahanan ng isang grupo ng isla na tinatawag ding Hundred Islands National Park, isa sa pinakatatanging tourist spot sa Luzon. Ang nasabing national park ay may 124 napakagagandang islang nakakalat sa paligid ng Lingayen Gulf. Magsisimula ang tour sa Barangay Lucap, kung saan makakapamili ang turista ng aktibidades kasama na ang island hopping, snorkeling, kayaking, at camping.

Ang Hundred Islands National Park ay nilikha upang pangalagaan ang malinis na kapalihgirang nakakasakop sa mga korales na matatagpuang nakapaligid sa mga isla ng northern Philippines.

Umaabot ang proteksyon hanggang sa diversity of wildlife tulad ng mga ibon at aquatic species na naninirahan sa mga isla at sa karagatang nakapaligid sa kanila.

Kung walang sasakyan, ang pinakamagandang paraan upang magtungo sa Hundred islands ay sa bus, via Dagupan, na magbibiyahe ng mula apat hanggang pitong oras, depende sa kung ano ang sasakyan mo o kung saan dadaan ang bus, at ang pamasahe naman ay ₱430 – ₱700.

Napakapopular ng island hopping at snorkling dito, ngunit hindi kayang puntahan ang lahat ng isla sa loob lamang ng isang araw. Marami ring activities dito tulad ng cliff jumping, banana boat, snorkeling at swimming. Apat hanggang limang oras ang tour sa Hundred Islands kaya kung magsisimula sa umaga ng dakong 7:00 am, matatapos ang tour dakong 12:00 ng tanghali kung saan tamang tama sa pananghalian. Ang natitira pang mga oras hanggang lumubog ang araw at maaaring gamitin sa iba pang aktibidades na gusto ninyo.

Ang Hundred Islands ang kauna-unahang Philippine National Park na may iba-ibang variety ng developed islands tulad ng Pilgrimage Island, Quezon Island, Marcos Island, Children’s Island, at Governor’s Island.

Ang nasabing grupo ng isla ay mistulang inihasik sa karagatan, at umaabot sa 1,844-hectare land area. Pinaniniwalaang nagsulputan sila dalawang milyong taon na ang nakalilipas, mula sa karagatan.

Kung boatride naman ang usapan, hindi naman ito kamahalan. May presyo itong mula P1300 hanggang P2800 depende kung ilang isla ang inyong pupuntahan, at kung ilang tao ang sasakay sa bangka.

Kung nais ninyong mag-overnight sa isa sa mga isla, pwede ri naman, dahil may nga available na guest houses na pwedeng rentahan sa ilang isla. Ngunit walang mga eateries at restaurants dito kaya siguruhing may dala kayong pagkain at inumin.

Ang 123 [124 kapag low tide] malilit na islang punung puno ng sikat ng araw ay may kani-kanyang kagandahan. Ayon sa alamat, bawat isla ay pinangangalagaan ng isang sirena, ayon sa utos ni Amanikable, ang masungit na Diyos ng Karagatan sa mitolohiya ng Pilipinas. Mahigpit na parusa ang tatamuin ng sirenang namamahala sa tokang isla kapag ito ay nasira habang nasa kanyang pangangalaga. Ang buhay ng isla ay kaugnay ng buhay ng sirena. Bawat paninira sa isla ay magiging sugat sa kanyang katawan, at ang kamatayan ng isla ay kanya ring kamatayan.

Samyuin ang hangin habang naglalakad sa napakaputing buhangin sa mga dalampasigan, at makipagtalik sa malinis na kalikasan upang mas maunawaan ang kahalagahan nito sa iyong buhay.

Matapos ang napakatagal na panahon, ngayon ay maaari nang sabihin ng Alaminos City na sakop nila ang world-famous Hundred Islands, kung saan mismong ang Philippine Tourism Authority (PTA) ang pormal na nag-turn over sa kanila sa isang masayang seremonya.

Ang Alaminos ay malapit sa Bolinao, isa pang tourist attraction at tahanan naman ng magagandang resorts sa Pangasinan. NLVN