HUNDREDS OF YOUNG ENTREPS UNDERGO YEP

YEP

MAHIGIT na 250 mga batang negosyante at mga gustong maging negosyante mula sa Kabisayaan ang pumuno sa ballroom ng Cebu International Parklane Hotel para makinig, matuto at magkaroon ng inspirasyon mula sa panel ng mga sanay nang negosyante sa isinagawang Youth Entrepreneurship Program (YEP) Cebu Roadshow na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) noong nakaraang Nobyembre 27.

Ang YEP ay isang nationwide program para tumulong sa mga kabataang Pinoy na mahubog ang kanilang kakayahang magnegosyo sa pag-aalok sa kanila ng isang comprehensive package of interventions.

Ipinaliwanag ni Trade Undersecretary Blesila Lantayona na ang bagong pananaw ng YEP sa pagnenegosyo ay kritikal dahil ito ay makapagdudulot sa mga kabataan ng mga kakayahan para makalikha ng kanilang sariling trabaho at kung magtagumpay ay makalilikha ng trabaho para sa iba ring kabataan.

“Through the YEP, harnessing the energy and innovation of youth, there is an opportunity to lift quantity and quality of jobs and to generate inclusive and sustainable economic growth,” sabi ni Usec. Lantayona.

Gamit ang Running tagline na “Harnessing Our Own Resources for the Advancement of the Youth!” (HOORAY!), inaabot ang YEP Cebu Roadshow ang matagumpay na influen­cers at creatives tulad nina Gil Zaire “Butch” Carungay, Design Advocate and Chief Creative Officer of Zai Design Hive, para talakayin kung paano umabante ang Cebu City matapos na mabigyan ng UNES­CO ng designasyon bilang Creative City of Design.

Isa pang batang influencer Kimberly na si Therese Gothong, founder ng Mrs Clean ang tumalakay sa kanyang  “Start-up Journey” para makapagbigay ng inspirasyon sa mga kabataang gusto ring magnegosyo.

Ang iba pang start-ups na dumating para talakayin ang kanilang kuwento ng pagnenegos­yo ay ang co-founder at CEO ng “Hoy”, Seph Mayol, co-founder at CEO ng Symph Dave Overton, founder ng Hen­yo Global Innovations Inc. April Mae Ong Vano, founder ng Yoveo Digital Lorna Bondoc.

Nagkaroon ng break-out sessions tulad ng MSME Track, Start-up Track and Self-improvement for Your Mindsets Workshop na nagbigay ng hamon sa mga batang isipan at panatilihing mataas ang kanilang interes sa negosyo.

Sinusuportahan ng YEP supports ang agenda ng gobyerno na doblehin ang bilang ng mga negosyante sa bansa pagdating ng 2022 na magiging katumbas nito ay lalawak ang dagdag sa bro economic deve­lopment, address inequality, at umangat ang kalidad ng buhay ng mga Filipino lalong-lalo na ang mga kabataan.

Sa layunin na magkaroon ng pagbabago sa bansa, hinihimok ng YEP components ang upbeat actions tungo sa pagpapatibay ng economic independence sa mga mamamayan at komunidad.

Comments are closed.