WALANG pasok sa trabaho, pampubliko man o pampribado sa Hunyo 28.
Ito ay makaraang iproklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na regular holiday ang nasabing petsa para sa pag-obserba sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ang deklarasyon ay sa ilalim ng Proclamation Number 258 na inilabas ng Malacanang.
Ang holiday ay ipatutupad sa buong bansa.
EVELYN QUIROZ