Record breaking ang tagumpay ng “2024 Bagong Pilipinas National Trade Fair” na ginanap sa Megatrade Halls ng SM Megamall mula August 21 hanggang 25.
Tampok sa trade fair ang talento at kahusayan ng mga Pilipino sa paglikha ng mga obra na gawa sa kawayan o kahoy at iba pang lokal na produkto.
Kumita ng P72.377 milyon ang mga lokal na exhibitor sa fair.
Pagpapakita ito ng mataas na interes ng mga mamimili sa gawang lokal.
Malaking tulong sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang exposure upang lalong maipakilala sa mundo ang talento ng mga Pinoy.
Kahanga hanga ang mga Pilipino sa husay at pagiging malikhain kahit pa minsan sa mga bagay na patapon na.
Ang pagtitiyaga at sipag ng mga Pinoy ay hindi matatawaran.