BULACAN – HUSTISYA ang isinisigaw ng pamilya ng tricycle driver na binaril at napatay sa Brgy, Iba-ibayo sa bayan ng Hagonoy.
Sa report na nakarating sa tangapan ni PNP Provincial Director Col. Relly Arnedo, kinilala ang biktima na si Renato De Leon, 60- anyos, may-asawa, residente ng Purok 2 Brgy. Iba-Ibayo.
Sa report ng Hagonoy police, naganap ang insidente bandang alas- 4:26 ng kamakalawa ng hapon habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Brgy. Iba-Ibayo lulan ng tricycle ay biglang huminto ang SUV sa kanyang harapan.
Bumaba ang lalaking pasahero na nakasuot ng puting t-shirt, itim na pantalon at itim na facemask at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tricycle driver na agad ikinamatay nito.
Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng kulay puting Ford Everest.
Sa facebook post, kilalang mabait si Mang Rene, walang bisyo at wala rin umano ito ng kaalitan sa kanilang lugar.
Samantala, nagsasagawa na nang malalimang imbestigasyon ang mga pulis kung sino at ano ang motibo ng pagpatay sa tricycle driver.
THONY ARCENAL