HUSTISYA HINDI SAPAT — NUJP

NUJP-MAGUINDANAO

IGINIIT  ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) na hindi pa ganap na kumpleto ang nakamit na hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Sa halos 500 pahinang desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ay convicted ang ilang miyembro ng Ampatuan clan sa 57 bilang ng kasong murder at hindi 58.

Hindi kasama rito ang photojournalist na si Reynaldo “Bebot” Momay Jr. bilang isa sa mga biktima ng malagim na krimen dahil ayon sa korte, hindi pa rin nakikita ang mga labi ni Momay.

Nagpahayag ng kalungkutan ang  NUJP sa pagpapawalang sala ng korte  sa 55 mga akusado kabilang ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan.

Naniniwala  ang grupo na  guilty ang mga akusado sa pagkasawi ni Momay.

Kapos umano ang hustisya para kay Momay hangga’t hindi napaparusahan ang lahat ng mga responsable sa krimen.

Dagdag nito, hindi pa pinal ang desisyon ng korte hangga’t hindi naglalabas ng desisyon ang Korte Suprema.

Comments are closed.