HUSTISYA KAY BATOCABE INAASAHAN NG KAMARA

rodel batocabe

KASUNOD nang pagkakatukoy sa utak at iba pang may kinalaman sa pagpatay kay AKO Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe, hinimok ng liderato ng Kamara ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na agarang maipatupad ang hustisya at papanagutin sa batas dahil sa kanilang pagkakasala ang mga nasa likod ng nasabing krimen.

“Now that the mastermind and all his co-conspirators have been identified, our law enforcement agencies must ensure that they be prosecuted to the fullest extent of the law. There should be no let up and stone left unturned until justice is served.” ang mariing pahayag ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasabay nito, nagpaabot din si Arroyo ng pagbati at papuri sa lide­rato ng Philippine National Police (PNP) sa mabilis nitong pagkilala kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo bilang mastermind sa pananambang kay Batocabe, na nagresulta rin sa pagkasawi ng police aide ng huli na si SPO1 Orlando Diaz.

“The House of Representatives deeply appreciates the dedication and hard work our police force have put in to go after the perpetrators of the despicable act in such a short time. The House of Representatives also appreciates the bravery and loyalty of those in their ranks who are called upon to perform vital escort and security functions, often at the risk of their lives. Again my congratulations to the PNP for a job well done,” dag-dag pa ng kongresista.

Sa panig ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, tiniyak nito sa pamilya at mga mahal sa buhay ng pinaslang na mambabatas na mananati­ling nakatutok ang Kamara sa mga pangyayari hanggang sa ganap na maibigay ang hustisyang hinangad ng mga ito.

Ayon naman kay House Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya Jr., magkahalong kasiyahan at takot ang kanyang nararamdaman, na sa una ay natukoy na rin agad kung sino ang utak sa pamamaslang at pangalawa ay ang katotohanang isa ring politiko ang mastermind at kinailangan pang umabot sa puntong may dalawang buhay ang nasayang dahil lamang sa politika.

“Well, if he (Mayor Baldo) would be brought to justice, sana it will be a swift decision (na) siya talaga ang perpetrator.” ani Andaya.

Nauna rito, nanawagan si House Deputy Minority Leader at 1-Ang Edukasyon partylist Rep. Bong Belaro Jr. kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte para isailalim sa preventive suspension ang Daraga mayor dahil sa pagkakadawit sa naturang krimen.

“I appeal to President Rodrigo Roa Duterte to order the responsible government officials to invoke Section 60 to 68 of Chapter IV of the Local Government Code (Republic Act No. 7160) to preventively suspend the incumbent Daraga mayor and any other civil servants implicated in the murder of AKO BICOL Congressman Rodel Batocabe,” giit ni Belaro. ROMER BUTUYAN

Comments are closed.