HUSTISYA KAY DACERA TINIYAK NI PRRD

DUTERTE-13

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng flight attendant na si  Christine Dacera, na makakamit ang hustisya sakaling matiyak na dapat may managot sa pagkamatay nito makaraan ang New Year’s eve party kasama ang 11 lalaki sa isang hotel sa Makati City.

“Justice would be served following the death Dacera,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ginanap na press briefing kahapon.

Sinabi pa ni Roque na papasok na rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) upang matiyak ang tunay na pagkamatay ng flight attendant.

“The President’s promise, there will be justice for the Dacera family,” ayon kay Roque at ang pagtulong aniya ng Pangulo ay pangako na nito kahalintulad ng kaniyang naging pahayag sa nabiktima ng pamamaslang noong 2009 na mas kilala sa tawag na Maguindanao massacre.

Sa panahon din ni Pangulong Duterte nabigyang katuparan ang inaasam na hustisya ng pamilya ng mga biktima ng karumal dumal  na krimen nang mahatulan ng pagkabilanggo ang mga sangkot dito.

Samantala, wala namang pagtutol ang Malakanyang sakaling napalaya ang unang tatlong naaresto at nagdesisyon ang piskalya ng for futher investgation dahil sakop aniya ito ng Rules of Criminal Procedure.

“The decision of the fiscal to continue the conduct of preliminary investigation in the case is within the Rules of Criminal Procedure,” ayon sa pahayag ni Roque.

Makabubuti aniya ang masinsinang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan at maging malakas ang ebidensiya sa sinumang suspek.

Sa pagkamatay ng dalaga, hindi pa masabi kung siya nga ay ginahasa.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.