HUSTISYA MANANAIG SA MAGUINDANAO MASSACRE – MALAKANYANG

malakanyang

UMAASA  ang  Malakanyang na mananaig ang hustisya sa Ma­guindanao massacre oras na maglabas na ng desisyon ang korte sa  Huwebes, ­Disyembre 19.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kumpiyansa ang Palasyo na ibabatay ng hukom ang desisyon base sa mga ipri­nisintang ebidensya.

Tikom na ang bibig ni Panelo sa pagkomento  sa kaso sa pangambang maintriga at makulayan pa lalo’t isa siya sa mga naging abo­gado ng pamilya Ampatuan.

Sa sala ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) judge Jocelyn Reyes,  dininig ang  Maguindanao massacre  na ang itinuturong prime suspect ay si Datu Andal Unsay Ampatuan Jr.

58 katao kabilang na ang mahigit 30 kagawad ng media ang nasawi sa  ­November 23, 2009 massacre.