NAIUWI na sa kanyang probinsiya sa General Santos City ang labi ng overseas Filipino worker na si Jeanelyn Villavende na pinatay sa bugbog ng kanyang amo sa Kuwait.
Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng biktima na nakita ring basag ang bungo batay sa pagsusuri.
Nais ng pamilya ng biktima na mabitay ang mga amo nito na kasalukuyang nakakulong dahil sa ginawang pagpatay.
Sinuspinde ang pagpapadala ng household workers sa Kuwait dahil sa insidente.
Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Filipinas at Kuwait upang bumalangkas ng kontrata na magbibigay proteksiyon sa Filipino workers sa ibayong dagat.
Comments are closed.