IPINAG-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagtugis at paglansag mga kasapi sa Ampoan Criminal Group na sinasabing nasa likod ng pagpatay sa tatlong pulis sa Samar.
Kasabay nito ay tiniyak ng PNP na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatlong pulis na kabilang sa mga nagsagawa ng law enforcement operation sa Brgy. Mahayag, Sta. Margarita, Samar kamakalawa ng umaga.
Magugunitang nauwi sa engkwentro ang ikinasang law enforcement operation laban sa tatlong kasapi ng Ampoan Criminal Syndicate paputukan nila ang mga awtoridad na pumasok sa kanilang lugar para magsilbi ng dalang warrant of arrest labas sa nasabing lawless elements.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, sinisiguro nilang hindi lulubayan ng kapulisan ang pagtugis sa ibibigay ang mga benepisyo para sa mga nasawing pulis na sina PSSg. Christian Tallo, PCpl. Eliazar Estrelles at PMSg. Paul Terence Paclibar.
Habang sasagutin ang lahat ng gastos sa ospital nina PCpl. Rannel Pedamato, PCpl. Mark Jason I Sixta, Pat Ham Kritnere Capalis at Pat Mark C Redoblado na pawang wounded in action.
Pawang kasapi ng Samar Provincial Mobile Force Battalion mga mga pulis na naatasang maghain ng warrant laban sa mga suspek na sina Edito Ampoan, Jojo Altarejos at Rogelio Macurol na mga miyembro ng Ampoan Criminal Group nang biglang magkaroon ng sagupaan.
Kasalukuyang sumasailalim naman ngayon sa imbestigasyon ang apat na suspek na nadakip sa nasabing operation na nahulihan pa ng mga mataas na kalibre ng baril.
VERLIN RUIZ