NEGROS OCCIDENTAL – UMAPELA si dating Negros Rep. Jing Paras sa Korte Suprema na mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng P80 milyong pondo ng bayan ng Guihulngan.
Ito ay makaraang mapawalang sala ng graft court ang apat na kasong katiwalian ni Guihulngan Negros Mayor Ernesto Reyes kaugnay sa overpriced sa construction works at kawalang bidding sa mga proyektong pinasok ng bayan na ginastusan umano ng P80 milyon.
Sa isang press conference kahapon sinabi ni Paras na siya ay naniniwalang may hustisya pa ring makukuha ang kanyang mga constituent na nag-sampa ng kasong 4 counts ng graft kay Reyes sa graft court may sampung taon na ang nakakaraan.
Ayon sa dating mambabatas umaasa pa rin siya na mabigyan ng hustisya ang kasong ito dahil nailatag naman ng mga complainant ang ebidensiya sa Ombudsman na may probable cause para kasuhan ang naturang opisyal.
Kaugnay nito, sinabi ni Paras na magsusumite ang kanilang panig ng motion for reconsideration (MR) sa first division ng Sandiganbayan kaugnay ng kaso sa loob ng susunod na 15 araw para maiapila ang kaso.
Umaasa rin si Paras na mabibigyan pa rin ng pagpabor ang pamahalaan sa kasong graft na naisampa nila kay Reyes dahil naniniwala anya siya na ang pamahalaang Duterte ay lumalaban sa katiwalian. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.