HUSTISYA SA MGA BIKTIMA NG MSU BOMBING

KINONDENA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambobomba sa gymnasium ng Marawi State University (MSU) kahapon ng umaga habang isinasagawa ang Christian fellowship.

Sa sketchy report ng Police Region Office -Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, apat ang nasawi, 45 ang sugatan habang lima.ang nasa kritikal na kalagayan.

Bagaman wala pang tukoy kung sino ang may kagagawan ng karahasan, nangako si PBBM na mananagot at hahanapin ang mga suspek.

Agad ding nakiramay ang Unang Pamilya sa kaanak ng mga nasawi at sinisi na dayuhan ang nasa likod ng pambobomba.

“I extend my most heartfelt condolences to the victims, their loved ones, and the communities that have been the target of this latest assault on peace. Government assistance to those impacted is ready and forthcoming,” anang Pangulong Marcos.

“I condemn in the strongest possible terms the senseless and most heinous acts perpetrated by foreign terrorists upon the Mindanao State University (MSU) and Marawi communities early this Sunday morning. Extremists who wield violence against the innocent will always be regarded as enemies to our society,” ayon sa Pangulo.

Inatasan na rin ng Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) at Armed tiyakinof the Philippines (AFP) na tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Una nang inilagay  ni PRO BAR Regional Director BGen Allan Nobleza sa full alert ang kanilang puwersa kasunod ng nasabing karahasan.

EVELYN QUIROZ