AGUSAN DEL NORTE – SUMISIGAW pa rin ng hustisya ang pamilya ng dating secretary general ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na nilikida ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng isang furniture shop sa bayan ng Santiago noong nakalipas na linggo.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng Agusan del Norte PNP, pumasok sa furniture shop at nagpanggap na kostumer bago pinagbabaril ang biktimang si Linos Cubol.
Nagawa pang maitakbo ng mga kasamahan si Cubol sa pagamutan subalit idineklara itong patay na ng idating sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.
Iginiit naman ng misis ng biktima na wala silang alam na kaaway o banta sa buhay ng kanyang asawa.
Isa sa mga angulong tinitingnan ng mga imbestigador ang ginawang pagpapa-blotter ng biktima laban sa lima katao na pinaratangan niya ng pagnanakaw sa isang minahan sa kanilang lugar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.