TARLAC – HUSTISYA ang isinisigaw ng mga kaanak at pamilya ng 71-anyos na pinaslang ng riding in criminal sa bayan ng Gerona.
Kasabay nito’y bubuo ng Special Investigation Task Force Group (STIG) ang Camp Macabulos PNP, kabilang dito ang Criminal Investigation and Detection Group, (CIDG) National Bureau of Investigation (NBI) upang mapadali ang pagtukoy at pag-aresto sa mga nasa likod ng pagpatay sa Brgy. Chairman ng Brgy. Salapungan ng nabanggit na bayan.
Sa inisyal na report ni PIB Chief P/Lt. Col.Luis M Ventura Jr., at PNP Provincial Director P/Col. Jesus Rebua, tatlong anggulo ang posibleng dahi-lan ng pamamaril kay Kap. Cesar Mendoza Sr.
Ayon kay P/Captain Jim Tayag, posibleng anggulo ng politika, personal na away, at ang mahigpit na kampanya nito sa ilegal na droga.
Matatandaang Abril 19, 2019 ganap na alas-7:50 ng gabi ng paputukan ng hindi nakilalang armadong suspek na nakasuot ng jacket at face mask ang kapitan del barrio.
Nabatid na bago ang insidente ng pamamaril, kasalukuyang nagsu-supervise ang biktima sa kanilang brgy. electrician na si Regino Castillo y Mani-bo, 52, kasama ang chief tanod na si Albert Labuguen y Fernandez, 48-anyos.
Una nang isinugod sa pagamutan si Kapitan Medoza Sr. subalit idineklara itong dead on arrival sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan. THONY ARCENAL
Comments are closed.