SUMISIGAW ng hustisya ang kaanak ng 15-anyos na dalagita na umano’y na-gang rape sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang biktima ay dumulog sa Police Station 1 ng nasabing lungsod matapos gahasain ng tatlong kalalakihan.
Kinumpirma ito ni Mimaropa-PNP Spokesperson Police Col. Socrates Fataldo.
Sa report ng PNP, kahapon ng umaga kasama ang kanyang pamilya ay tumungo sa police station ang biktima.
Inirereklamo nila ng panggagahasa ang tatlong mga suspek na kinilalang sina alyas Jaimie, 18-anyos, construction worker at residente ng Purok Señorita, Brgy Bagong Silang PPC; Kyle Padong alyas “Dongkoy”, 22-anyos, construction worker; at Ronald Andales alyas “Apong”, 22-anyos, mangingisda.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang kaibigang babae sa isang beach sa Puerto Princesa dahil nagdiriwang ito ng kanyang kaarawan.
Hanggang sa nagdesisyon silang lumipat sa bahay ng isa sa mga suspek para mag-inuman.
Pagkatapos ng inuman magkakatabing natulog sa isang kuwarto ang biktima, kaibigan nitong babae at mga suspek.
Nakita umano ng kaibigang babae ng biktima ang panggagahasa na ginawa ng mga suspek sa lasing na lasing na biktima. REA SARMIENTO
Comments are closed.