NUEVA ECIJA – TINIYAK nang pamunuan ng PNP Region 3 sa pamilya ng pulis na napaslang sa pagtupad sa kanyang tungkulin sa bayan ng Peñaranda na agad makakamit ang hustisya.
Kaugnay nito, matikas na saludo ang ipinakita ni PRO3 Director BGen. Redrico Maranan kay Ssg. John V Espinoza na nasawi matapos mabaril nang rumesponde sa isang robbery sa nabangit na bayan.
Personal na iniabot nina Maranan at PNP Provincial Director Col.Ferdinand Germino ang financial assistance sa magulang ni Espinoza.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya ni Espinoza sa mga alagad ng batas partikular sa paghahanap ng hustisya sa biktima.
THONY ARCENAL