KAMAKAILAN ay nabulgar sa Senado na marami ang gumagamit ng pekeng Person With Disability Identification Cards na dahilan kung bakit umabot sa P88.2 bilyon ang nawalang buwis sa pamahalaan.
Itinuring itong panibagong pambubudol sa panig ng holder ng pekeng PWD ID.
Marami ang natutukso na magpagawa at gumamit ng pekeng ID dahil sa magandang benepisyo nito.
Una ay ang 20 discount sa mga piling bilihin, dining sa mga restaurant at iba pang serbisyo na dagdag sa mga PWD.
Dahil naman sa paglaganap ng pekeng PWD ID, umaray ang BIR sa bilyong buwis na nawawala sa kanilang koleksyon.
Habang hindi naman masisisi ang establisimyento na pumayag sa availment ng 20 percent discount dahil in good faith ang kanilang compliance sa benepisyo para sa PWD.
Naniniwala kami na maganda ang layunin ng pamahalaan nang isabatas ang PWD ID, pero nakakalungkot na inaabuso ito.
Sana naman ay mag-isip tayo bago yakapin ang ganitong sistema ng pambubudol sa ating sarili.
Dahil kung magkano man ang halaga na nae-enjoy natin sa availment ng PWD ID, tayo rin ang bumabalikat niyon.
Kaya kung inakala natin ang nakapanloko tayo, mismong ang sarili natin ang nagsa-suffer.