HUWAG AGAD HUSGAHAN SI CALVIN

on the spot- pilipino mirror

KAGULAT-GULAT ang Instagram post ng wife ni Calvin Abueva na si Sam Abueva. ‘Di kapani-paniwala na magagawa ito ng basketball player sa kanyang mahal na asawa.  Ang totoo ay mahal na mahal ni Calvin ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak. Sana ay maayos na ang gusot na nangyayari kay ‘D Beast at sa kanyang pamilya, gayundin sa kanyang career.

Speaking of career, nire-review ng GAB ang paglalaro ni Abueva sa Montalban sa team ng San Isidro. Sa PBA ay bawal ang isang player na maglaro sa ligang labas. Naalala ko tuloy noong maglaro sina Vic Manuel at Abueva sa isang liga. Pinagmulta sila ng tig-P50k, mula noon ay hindi na umulit ang mga player, pero eto na naman si Abueva.

Hindi naman siguro ito gagawin ng basketbolista kung walang basbas ng management  lalo na’t indefinite suspended ang player ng PBA. Gumagawa lang ng paraan si Abueva para kumita dahil wala siyang suweldo na natatanggap mula sa Phoenix Fuel Masters. Ang dinig ko nga ay baka maulit ito at muling maglaro sa Montalban at Davao ang tubong-Pampanga.

Sa GAB naman ay huwag naman kayong pa­bigla-bigla. Sana ay alamin muna ninyo ang puno’t dulo. Kesyo babawiin n’yo agad ang lisensiya ni Abueva. Dapat ay pag-aralan n’yo muna ang lahat bago ‘yang bawi-bawi. Sobrang kawawa na si Abueva, kung puwede nga lang akong mag-sa­lita hingil sa totoong kuwento ng buhay ng player. Kaso ay mahirap na… Good luck to Calvin!

oOo

Nagsimula na ang best-of-five semifinals showdown ng Ginebra at TNT KaTropa, at Rain or Shine at San Miguel Beer. Kapwa nakauna ang KaTropa at SMB. Ang malaking katanungan dito ay kung sino ang maghaharap sa finals. Abangan natin dahil pawang malalakas ang import ng apat na teams kaya nakaka- excite panoorin ang PBA Commissioner’s Cup.

oOo

Nakakatatlong sunod na panalo na ang Zambaonga Family’s Brand Sardines kung saan si Bai Cristobal ang pansamantalang  head coach ng team at katulong si asst. coach Bernie. Sa nakaraang panalo nila ay si Leo De Vera ang napiling ‘Best Player of the Game’ dahil sa ganda ng kanyang nilaro. Sana ay tuloy-tuloy na ang pagpapanalo ng Zamboanga Family ‘s Brand Sardines dahil na rin very supportive ang owner ng naturang team na si Ma’am Anita.

oOo

Possible daw na ma-trade ang isang Fil-Am player para lumakas ang sister team nila. Matagal na itong usap-usapan dahil naging controversial din ang player nang kunin sa draft noong nakaraang taon. Let’s wait and see kung pakakawalan siya ng kanyang mother team, kahit pa sa sister team din siya maglalaro.

Comments are closed.