HUWAG HALUAN NG POLITIKA ANG MANILA BAY REHAB

alex santos

DATI ay inihalintulad ni Pres. Rodrigo Duterte sa poso-negro o ‘cesspool’ ang Boracay.

Nang matapos ang rehabilitasyon sa Bora, tinututukan naman ang Manila Bay.

Nakakadiri nga namang dumaan dati sa Baywalk na masama ang naaamoy mo.

Mataas daw ang bacterial levels sa Manila Bay.

Kung maaalala, ilang taon din  muna ang inabot bago nagpalabas ng kautusan ang Korte Suprema para linisin ang Manila Bay.

Nagkabisa ang utos noon pang Disyembre 2008.

Siyempre, kasama sa mga inatasang maglilinis sa look ang Department of Environment and Natural Resources, Metro Manila Development Authority, Department of the Interior and Local Government at iba pa.

Marami nang dumaang Presidente at administrasyon pero walang nakapagsagawa nito.

Hindi lahat ay tumalima sa kautusan.

Nabigo ang mga inatasang ahensiya ng pamahalaan na pigilan ang pagtatapon ng dumi sa Manila Bay.

Mga informal settler o squatters sa Port of Manila ang nagtatapon daw ng dumi sa dagat.

Kaya ang mga dumi at basura nila ay diretso sa dagat.

Nang manalo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, kasama sa mga tinutukan ay ang Bora.

Ngayon naman ay ang Manila Bay.

Nasa daan-libong ‘illegal settlers’  ang naninirahan sa paligid ng Manila Bay na kailangan daw i-relocate.

Dahan-dahan na itong nililinis ngayon.

Kasabay nito, unti-unti nang tinatambakan ng dolomite rocks ang dalampasigan para magmukha namang kaaya-aya pero binabatikos naman ito ng mga kritiko.

Ang masama, nagpalabas pa ang Cebu provincial government ng cease and desist order (CDO) laban sa dalawang mining companies dahil sa kontrobersiya.

Sa CDO ni Gov. Gwendolyn Garcia na may petsang Sept. 8, pinatitigil nito ang operasyon ng Dolomite Mining Corporation (DMC) at Philippine Mining Services Corporation (PMSC) dahil hindi raw dumaan sa konsultasyon ang kanilang operasyon sa bayan ng Alcoy.

Tsk, tsk, tsk.

Para kay Garcia, hindi raw na-inform ang pamahalaang panlalawigan ukol sa beautification project sa Manila Bay.

Wala rin daw itong matinong ore transport permits para raw mailabas sa probinsya ang dolomite rocks paluwas ng Maynila.

Sinasabing nagpalabas ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Central Visayas ng dalawang permits sa PMSC para maibiyahe ang 7 wet metric tons ng dolomites mula sa lalawigan para sa white sand beach effect sa Look ng Maynila.

Sa panayam naman ng inyong lingkod kay MGB Director, Atty. Wilfredo Moncano, may mga kaukulang dokumento raw ang dalawang kompanya para sa kanilang operasyon.

Ilang dekada na rin daw na nag-o-operate sa lugar ang mga ito.

Para kay Moncano, wala siyang nakikitang dahilan para pagbawalan ang mga kompanya na maglabas ng dolomite rocks.

Sa halip nga naman na makatulong  sa pagbangon ng ekonomiya, tila lalo pa raw pinalulugmok sa kahirapan ang pamilya ng mga nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatigil ng operasyon ng PMSC at DMC.

Maging si Alcoy Mayor Michael Angelo Sestoso na nakapanayam din ng inyong lingkod ay nangangamba sa kalagayan ng mga kababayan niyang mawawalan ng trabaho dulot ng CDO ng gobernadora.

Aba, nasa 40 taon na pala sa Alcoy ang PMSC kaya marami na itong natutulungan pagdating sa trabaho.

Tinatayang 300 mamamayan sa  lugar ang nagtatrabaho rito at nakikinabang sa kanilang hanay.

Wala rin daw nakikitang paglabag ang LGU sa mga kompanyang naghuhukay ng dolomite rocks sa kanilang bayan.

Nagtataka rin si Sestoso kung ano ang ibig sabihin ng konsultasyon na binabanggit ng kampo ni Garcia.

Malinaw sa pagpapalabas ng CDO na ito na tila may politika rito.

Nawa’y sa mga susunod na araw ay magkaroon din ito ng linaw at maaayos din ang lahat.

Huwag naman sanang haluan ng politika ang mga ganitong proyekto.

Ayaw pa naman ni Pangulong Duterte ng ganyan.

Kung gusto natin ng pagbabago, nawa’y suportahan na lang po natin ang rehabilitasyon sa Manila Bay at iba pang pagbabagong isinusulong ng administrasyon.

5 thoughts on “HUWAG HALUAN NG POLITIKA ANG MANILA BAY REHAB”

  1. 48492 880454The planet are actually secret by having temperate garden which are usually beautiful, rrncluding a jungle that is certainly certainly profligate featuring so many systems by way of example the game courses, golf method and in addition private pools. Hotel reviews 6742

  2. 809892 222025This internet web site may possibly be a walk-through for all of the details you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll surely discover it. 783513

  3. 842819 8010This is a great subject to speak about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. This article probably wont do properly with that crowd. I will be confident to submit something else though. 335726

Comments are closed.