NAKAAMBA ang halos pisong price hike sa oil products sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, maaaring tumaas ng 60 sentimos hanggang piso ang presyo ng kada litro ng kerosene o gaas, gasolina at diesel at maaaring ipatupad Lunes ng hatinggabi o kaya naman ay Martes ng umaga.
Bagaman karaniwan nang dahilan ang supply and demand sa pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo, may mga natutukoy pang ibang dahilan ang DOE.
Kapag mataas ang demand ng langis sa world market, awtomatikong tumataas ang presyo nito.
Kung mataas naman ang supply at inventory, bumababa ang presyo ng langis.
Kabilang sa dahilan ng maliit na inventory ay kung mataas ang demand habang ipinatutupad pa rin hanggang Disyembre ang production cut ng OPEC +.
Sa pinakahuling ulat, ipinagpalagay na ang panibagong price hike ay dahil sa banta ng pagsasara ng oil refinery ng Russia dahil sa malaking pagkalugi.
Ang ibang anti-Russia at pumapanig sa Ukraine, isinsisi sa Russia ang pagtaas ng presyo ng langis, subalit malinaw na acceptable ang dahilan, may banta sa pagsasara ng planta ng langis sa Russia at iyon ay resulta ng geopolitical tension.,
Kung tutuusin, biktima rin ang Russia dahil malaki ang nawala sa kanila at dapat ugatin ang dahilan.
Kung babalikan, ilang bansa ang kumondena sa Russia dahil sa pakikipaglaban sa Ukraine na kinampihan ng maraming bansa.
Maraming sektor sa Russia ang nakatikim ng pag-cancel ng ibang bansa na nakaapekto sa kanilang ekonomiya subalit matatag pa rin si Russian President Vladimir Putin.
Bago husgahan ang Russia, alamin muna ang pinag-ugatan ng tensiyon ng dalawang bansa.
Ang pagtaas sa presyo ng langis ay marami pang dahilan. Muli, dahil pa rin sa supply and demand law lalo na ngayong mataas ang demand dahil papalamig ang panahon sa mga bansang sakop ng Northern Hemisphere.