HINDI dapat magdiskrimina ang local government units (LGUs) sa mga taong hindi pa nabakunahan laban sa sakit na coronavirus (COVID-19), ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta.
Ang apela ni Acosta ay ipinalabas matapos ang ilang LGUs sa National Capital Region (NCR) ay nagpasa ng mga ordinansa na naghihigpit sa paggalaw ng mga hindi pa nabakunahan maliban sa pagbili ng mga mahahalagang produkto o serbisyo.
Gayundin, ipinagbawal ng Department of Transportation (DOTr) ang mga hindi pa nabakunahan na sumakay ng pampublikong sasakyan sa NCR.
Sa kanyang social ay inihayag ni Acosta: “Ako po si PAO Chief Persida Rueda-Acosta nakiki-lusap huwag po natin i-discriminate ang unvaccinated.
Nanawagan din ito sa barangay officials na iwasang gumawa ng marahas na aksiyon laban sa mga hindi bakunado.
“Mga barangay huwag po tayo gumawa ng basta-bastang marahas laban sa mga kababayan natin. Bigyan po natin sila ng karapatan na ingatan din ang kanilang sariling katawan na kaloob ng Diyos,”
Wala pa umanong batas na mandatory ang vaccination.
“Makakagawa kayo ng paglabag sa karapatang pantao kapag ang unvaccinated ay ide-discriminate ninyo para lang mapwersa sila magpabakuna,” dagdag pa ni Acosta.