HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-uusapan kung paano makakaiwas sa PHISHING SCAM.
Dahil nalalapit na ang Pasko, punong-puno na naman ang mga bulsa ng mga tao. Marahil marami na sa atin ang nakatanggap na ng 13th month pay. Ang ilan naman ay nakapamili na para sa Pasko, at marami naman sa atin ang bibili pa lamang ng mga ihahanda at mga ipangreregalo. Masaya talaga kapag nalalapit na ang okasyon na ito, ngunit ito rin ang panahon kung kailan dumarami ang mga may masasamang balak. Sa ating pagsa-shopping halimbawa, dahil na rin sa dami ng mga tao ay nagkalat na ang mga snatcher at magnanakaw na umaasang makuha ang mga perang pinaghirapan natin. Ang nakatatakot pa rito, hindi lamang sa mga matataong lugar nangyayari ang pagnanakaw. Alam ba ninyo na maaari rin tayong manakawan online?
Ngunit paano nga ba ito nangyayari? Ang pagnanakaw online ay nangyayari sa pamamagitan ng pagnanakaw ng mga impormasyon natin katulad ng credit card details, username at password, at iba pang detalye na maaaring gamitin para ma-access ang ating bank accounts at credit cards.
Ito ay kilala sa tawag na phishing. Ang phishing ay isang scam kung saan paniniwalain ka na ang website na iyong binibisita o ang isang email message na iyong natanggap ay legitimate o nanggaling sa isang mapagkakatiwalaang source. Pero ang totoo, ginagamit lamang ang pangalan o itsura ng isang legitimate website para paniwalain ka na totoo ito. Sa mga ganitong scam, susubukan nilang kunin ang mga impormasyon katulad ng password, username, credit card details, o kung ano pang mga pribadong detalye na maaari nilang magamit para makuhanan ka ng pera at identity.
Huwag magpapabiktima sa phishing scam. Ito ang ilang tips upang makaiwas dito:
- Sa mga website na iyong ina-acess, siguraduhin na ito ang tamang website. Tingnang mabuti ang address bar kung tama ang URL ng website na iyong binibisita.
- Kung nakakuha ka naman ng email message na hindi mo sigurado kung kanino nanggaling, huwag na itong buksan.
- Higit sa lahat, huwag na huwag magbibigay ng personal na impormasyon kapag may nanghihingi katulad ng iyong birthday, address, password, at credit card details. Ang mga lehitimong institusyon katulad ng mga bangko at iba pang kompanya ay hindi manghihingi ng personal details online.
Siguraduhin natin na magiging masaya ang ating Pasko sa pamamagitan ng pag-iingat sa online phishing! Kung ikaw ay may katanungan sa iyong bank account, mas mainam na bisitahin ang iyong branch at mag-AskUrBanker!
Alamin ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.