BILANG ama ng bansa, umapela at pinangaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat na huwag nang mamili ng brand ng bakuna kontra COVID-19.
Ginawa ang panawagan kasunod ng ulat na mas pinipili ng mga vaccinee ang US brand na Pfizer at katunayan ay naitala ang mahabang pila kapag ito ang ituturok sa mga naka-iskedyul na vaccinee sa mga vac centers.
Aniya, ang pag-order ng pamahalaan ng Pfizer ay hindi naman inilaan sa iisang lugar kundi sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya kung ito ang pipilahan ay kabiguan lang ang mapapala kaya hindi na aniya dapat maging choosy.
Aminado rin si Pangulong Duterte na limitado ang supply ng naturang brand.
“I cannot administer exclusive Pfizer in one place to the exclusion of other Filipinos…there’s really a need to mix it and the people should be blind on the (vaccines) being given. What (is important) is there’s a vaccine. Period. And the best vaccine is really the one that’s available for you,” paliwanag ni Duterte.
Dagdag pa ng Pangulo na kapag naging mapili sa bakuna ay maaaring magdulot ng negatibo sa ibang brand dahil iisiping mas superior ang bisa ng Pfizer gayong pare-pareho namang mabisa ang lahat ng FDA- approved anti-COVID vaccines.
“When you begin to be selective, the others will also begin to be agitated about the potency that should have been the same with the others. They will also demand Pfizer. How about the other Filipinos from the Visayas to Mindanao?…there must be equality in everything,” paliwanag ni Duterte.
Magugunitang ipinaliwanag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ang lahat ng bakunang kanilang inaprubahan ay mabisa sa pagsasabing “vaccines available are effective”. EVELYN QUIROZ
851020 162239So could be the green tea i buy in cans the same as the regular tea youd buy to put inside your morning cup? Ive been told is just normal green tea made to be cooler, but does it have any affect as far as not speeding up your metabolism as quick as normal hot green tea? 174057