HUWAG MAGSISIHAN SA TRAPIK-EDSA TRAFFIC CZAR

Col Bong Nebrija

“KUNG ayaw nating makipagtulungan, huwag po tayong magsisihan.”

Ito ang naging panawagan ni Col. Bong Nebrija, EDSA traffic czar  sa panayam ng DWIZ sa gitna ng girian sa pagitan ng mga commuter, mga motorista at ng Metro Manila Development Authority enforcers.

Kaugnay pa rin ito ng mas pinaigting pang pagpapatupad ng yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA kung saan ma­rami sa mga mananakay at mga motorista ang lubha umanong naapektuhan.

Mariin ding pinabulaanan ni Nebrija ang naging pahayag ni Senadora Grace Poe na pinag-eeksperimentuhan umano ng MMDA ang mga mananakay sa kanilang mga ipinatutupad na polisiya sa EDSA.

“Alam namin ang ginagawa namin, alam namin kung anong dapat naming ipatupad, ‘wag ni’yo naman ho kaming sabihan na pinag-eeksperimentuhan namin ang mga commuter,” ang pahayag ni Nebrija.

Paglilinaw nito, ma­tagal nang umiiral ang naturang polisiya at ang kanila na lamang ginagawa ay pagpapaigting sa pagpapatu-pad nito.

Giit ni Nebrija kay Poe, huwag silang paratangan ng pag-eekspe­rimento sa mga mananakay, bagkus ay bigyan sila ng kapangyarihan at polisiya upang maayos ang hindi matuldukang problema sa matinding trapiko sa EDSA.

Comments are closed.