“HUWAG matakot sa International Ceiminal Court (ICC) kung wala namang itinatago.
Ito ang pananaw ng dalawang mambabatas na kapwa naghain ng kanya-kanyang resolusyon para payagan ang International Criminal Court (ICC) na makapasok sa bansa.
Ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, “By allowing ICC to come, it’s telling the world na wala kaming tinatago dito”.
Ani Abante, na Chairman din ng House Committee on Human Rights, “ Gusto lang natin ipakita sa buong mundo na rin na gumagana ang ating justice system dito”.
“They can come in and investigate and even ask question sa family of the victims pero they cannot prosecute here,” ani Abante.
Para naman kay Albay Rep.Edcel Lagman “If we believe in the rule of law, then we must let ICC come in”.
Dagdag pa ni Lagman na miyembro ng oposisyon, hindi daw pagsuko sa ating soberanya sa ICC kung sakaling papasukin sila sa bansa para mag-imbestiga.
“We are not surrendering our sovereignty to them, rather we are exercising our sovereignty,” aniya.
Nabatid na 2017 ng kumalas ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng ICC sa utos na rin ng dating Pangulong Duterte matapos itong imbestigahan sa kasong “crime against humanity” dahil sa mga namatay sa.war on drugs ng pamahalan noong mga panahong yaon.
Si Rep. Lagman ay naghain ng house resolution 1482 habang si Cong. Abante at 1Rider Rep.Ramon Guitterez ay nag-file ng house resolution 1477 para papasukin na ang ICC sa bansa.