NGAYONG ilalagay na ang Metro Manila sa estadong general community quarantine (GCQ), nagpapasalamat ako sa ating mga Metro Manila mayor, sa DOTr at sa MMDA sa plano nilang tingnang mabuti, rebisahin at ayusin ang mga maling kinaugalian at sistema ng ating pampubilkong transportasyon noong nakaraan.
Malinaw naman na bulok at palpak ang dating sistema ng pampublikong transportasyon. Labo-labo. Kanya-kanyang tigil upang kumuha at magbaba ng pasahero. Ang kanilang terminal ay nakasasagabal sa daloy ng trapiko. Ang mga iba pa nga riyan ay ilegal ang terminal. Masyadong marami ang prangkisa na naibigay ng mga dating namuno sa LTFRB. Marami sa kanila ay dapat nang palitan ng mga makabagong modelo upang hindi basta-basta tumitirik na lamang sa gitna ng kalsada. Ito tuloy ang sanhi ng mabigat na trapiko. Ang iba pa nating mga pampublikong trasportasyon ay kulang sa maintenance na nagdudulot ng aksidente at pinsala sa kanilang mga pasahero.
Huwag na tayong magbulag-bulagan. Ang mga binanggit ko ay ang tunay na estado ng ating pambulikong transportasyon. Kaya naman ako ay natutuwa at nakita ito ng mga lider ng Metro Manila at ginawang oportunidad ang ECQ para baguhin ang sistema ng ating public transportation.
Kaso, tila nanginginig na ang tumbong ng ilang mga dating pasaway na transport group. Tila matatapos na ang kanilang pagpiyesta sa pagtutol sa programang pagbabago ng ating gobyerno. Tulad ng lahat, hindi nila napaghandaan ang ECQ kaya tumigil ang pamamasada nila.
Kaya naman muling nagpaparamdam sila at nananakot na magkakaroon daw ng malaking kaguluhan kapag ipinagbawal ang pagbabalik ng mga bus at jeepney. Ayon sa transport economist na AltMobilityPH, makadaragdag sa pahirap ng pag-angat ng ating ekonomiya ang hindi pagbabalik sa mga bus at jeepney sa lansangan. Wow!
Sino ba ang nagsabi na hindi sila ibabalik? Malinaw sa mga anunsiyo ng Metro Manila Council (MMC) at ng MMDA na pag-aaralan at aayusin muna nilang mabuti ang sistema ng pampublikong tranportasyon na kasama ang mga bus at jeepney upang makaiwas ang ating komunidad sa pagkalat ng COVD-19. Bukod pa rito, nakikita nila na ito ang tamang panahon na panatilihin ang magandang kalidad ng hangin dulot ng pagkawala ng mga mauusok na sasakyan sa ating mga lansangan.
Ang mga anunsiyo nitong AltMobilityPH ay halatang- halata. Ginagamit lamang sila bilang boses ng ilang transportation groups. Ewan ko naman kung bakit pa pinatulan ang istorya na ito sa ilang mga pahayagan.
Puwede ba? Maghintay na muna kayo. Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa nila ang mga polisiya at alituntunin para sa kabutihan ng lahat at hindi lamang para sa inyong transport groups. Tama na ang pa-epal!
947464 941231Some genuinely interesting information, properly written and broadly user pleasant. 868169
873789 138175educator, Sue. Although Sue had a list of discharge instructions in her hand, she paused and 745186
139077 407677Yeah bookmaking this wasnt a speculative decision outstanding post! . 27663
870707 276658If you are needing to produce alteration in an individuals llife, during i would say the Are usually Bodyweight peeling off pounds training course are a wide path in the direction of gaining any search. la weight loss 944011
685547 243789You got a quite excellent web site, Glad I noticed it via yahoo. 564135
601826 350391I always was concerned in this subject and stock nonetheless am, regards for posting . 515112
383432 780098I appreciate your wordpress design, where did you download it through? 311041